Wednesday, August 18, 2010

TAPE: KRUZZADA & JAW TEE

Mga lumang tape ng utol ko. Eto yung mga pinapakinggan niya nung high school pa siya. Buti na lang naitabi pa niya ito. Yung iba kasi hindi na nabalik sa kanya nung mga nanghiram sa kanya. Ayus pa mga tunog nito. Buti nga may tape player pa kami dito sa bahay ng sa ganun napapakinggan pa rin namin ito.
Maganda rin itong tugtugan ng Kruzzada. Tight itong album na ito. Kaso isang album lang ang nagawa nila. Magaling pa naman sila. Yung kantang "Hayzkool Life" sikat na sikat sa mga kabataan nuon kasi nakaka-relate sila sa lyrics. Alam mo na yung tipikal na kalokohan sa high school. "Buteteng Laot" (na tungkol sa mga parak na kurakot ang lulutong ng mga mura nila dito) at "Sabik sa Bawi" (na kanta naman nila para sa mga ka-beef nila) ang mga gusto kong kanta dito.
Debut album ni Jaw Tee ito. Para sa akin ito lang ang nagawa niyang magandang album. Ang alam ko nakagawa pa siya ng isa. Kaso hindi ko na pinakinggan yun may pagka novelty na kasi yung dating. Hindi katulad nitong album na ito may pagka old school rap yung dating na puede mo rin makumpara sa N.W.A.

No comments:

Post a Comment