Eto ngayon ang pina pakinggan ko. Na download ko lang. Una ko napakinggan itong si Loonie sa grupo niyang Stick Figgas. Tight ang tugtugan niya dito sa album na ito. May mga hints ng influence kay Eminem. Pakinggan nyo yung track seven ("All Rights Reversed") atsaka yung beat din dito panalo. Kaya shout out sa The Beatmonx galing nila gumawa ng beats. Tapos yung lyrics nito may pagka sarcastic pero makaka-relate ka naman sa kanya. May mga club banger at love songs ("XXX") din dito na hindi naman nakaka-iritang pakinggan. Hindi yung tipong mga Nelly at P.Diddy bullshit. Yung kantang "Sinungaling" may pagka cynical yung lyrics. Tapos yung beat may pagka-gothic na naalala ko tuloy yung Cypress Hill "Temple Of Boom " album. Kasama din niya dito si Ron Henley at Turf. Sigurado maraming siya magiging kritiko sa linyang sinabi niya na sinungaling ang simbahan. Pero ako pabor ako dun. Para sa akin isa sa mga makina na inimbento ng tao ang simbahan para kumontrol sa ating isipan. Para sabihin kung ano ang tama at mali. Isa sila sa mga sumasakal sa kalayaan natin. Na dapat ang susundin lang natin ay ang mga tinuturo nila ni hindi man tayo binigyan ng pagkakataon na mag-isip sa sarili natin. Siyempre yung sa gobyerno matagal na natin alam ang istorya niyan. Puro patawa lang naman ang mga pulitiko na mabait lang sa kampanya nila. Lalo na yung nakaraang administrasyon. Oo nga pala yung front cover din nito medyo may pagka-madilim ang kahulugan. Marahil pa-tama niya ito sa estado ng eksena ng hiphop dito sa bansa natin. Sa pagpanaw ni Francis M. mahihirapan bumangon at maliligaw ang direksyon o landas ng hiphop eksena sa Pilipinas. May shout-out din siya kay Syke. Ano na kaya ang balita sa kanya? Tuluyan na kaya siya nag-drop-out sa hiphop? Name dropping din dito si Loonie sa mga ka-beef niya. Wala ng pakiyeme basta tinira niya. Kawawa naman yung tao na yun. Kaya kung ako sa inyo kumuha na kayo ng album na ito para sa mas malinaw na pananaw na gaano ka lupet itong album na ito.
http://www.mediafire.com/?3ietokc2m3 |
No comments:
Post a Comment