Ayus itong mga pelikula na ito. Yung High Fidelity tungkol sa isang tao na si Rob Gordon (John Cusack) na nagkwento sa nakaraan niyang relasyon sa mga babae sa buhay niya. Music related itong pelikula na ito. Ang daming koleksyon na plaka ni Rob Gordon dito. Nakakainggit. Comedy/Romance ang genre nito. Kasama din dito si Jack Black. Nakakatawa nga yung role niya dito. Isa siyang music snob at elitista na galit sa mga geek collector. Tapos yung Pump Up The Volume naman ay tungkol sa high school kid na si Mark Hunter (Christian Slater) na dating taga-city tapos lumipat sila sa suburbs dahil sa trabaho ng kanyang tatay. High school rebellion ang tema ng istorya. Siguro alam na natin ang isyu pagdating sa rebelyon nung high school tayo. Ayus yung set-up ng kuwarto ni Mark Hunter dito gusto ko nga gayahin eh. Music related din ito. Parehas maganda ang soundtrack nitong dalawang pelikula na ito. Sa High Fidelity maririnig mo dun yung kanta ng Belle & Sebastian ("Seymour Stein"). Sa Pump Up The Volume naman Pixies ang maririnig mo (ibang version ng "Wave of Mutilation").
No comments:
Post a Comment