Monday, August 9, 2010

DEATH WISH UNIT (AKA DEATH WISH KIDS) LUMANG IMAHE

Yung kaibigan namin si Nixon ang kumuha nitong mga imahe na ito. Ayus.
BANJO: Siya ang source ko pagdating sa porn. Mahilig uminom itong si Banjo. Tambayan namin ung terrace nila sa Pasay dun kami pumupwesto kapag may inuman kami hanggang madaling araw na yun. Ayus din mga magulang niya kasi welcome kami sa bahay nila.
NANI: Magaling mag-drums itong si Nani. Kahit anong klase ng musika kaya niya. Hardcore, Metal, D-Beat wala panis sa kanya yun. Mahilig din siya uminom. Bihira na nga lang kami mag kasama nito. Madaling patawanin itong si Nani.  
MARIO: Siya yung straightedge pero hindi straightedge sa banda. Hindi siya umiinom pero kaya niya makipagsabayan ng puyatan sa amin. Mahal na mahal din niya yung mga tattoo niya. Mahilig siya sa mga crusty na banda. Nasubaybayan din niya yung death metal scene sa Pasay nuon.
JCS: Ah itong tao na ito MATAKAW sa alak ito. Gumagamit pa ng shabu. Pasaway pa siya dahil madalas siyang mag-black out sa alak. Masama ang ugali nitong tao na ito kaya konti lang ang kaibigan niya. Kaya kung ako sa inyo layuan nyo itong demonyo na ito wala lang kayong mapapala sa kanya.

No comments:

Post a Comment