Sunday, September 26, 2010

BEASTIE BOYS "Licensed To Ill"

Debut album of Beastie Boys. I inherited this one from my uncle. It is still working and has a good sound even though it is already old. Imagine this album was released in 1986 and for me the music in here is still relevant up to this day at least for my taste. Kerry King is also in this album putting some guitar tracks to a couple of songs.

Wednesday, September 22, 2010

STICK FIGGAS "Critical Condition"

Before I get to download the solo album of Loonie I first got a copy of this CD. I bought this in Music One a long time ago I can't remember the exact date. There are 13 tracks in here that are good. A lyric booklet is included so we can read their words and grasp how lyrical they are. To experience how superior this album you better hunt this one down. 

GHETTO DOGGS "Born To Kill The Devil"

For this post I'm going to start to use the english language because the world is not mine alone. But I had a great time using tagalog. Ok if I will describe this album in one word it would be: CLASSIC. Not because it is already an old album. The reason is all the tracks in here are great. There is no dull moment in here. You can feel the anger of all the MCs in here with all their social commentary. It was a long time ago when my brother bought a tape of this and we both listen to it. Also when this album came out everybody wanted to be a gangsta rapper here in our country. This album is influential in a good way and a bad way. Go figure. I am still hunting the original copy of their second and third album but still no luck but I am not losing hope. Our copy got lost it was borrowed by a leech so it never got returned. 

Thursday, September 16, 2010

APOKALIPSIS "Self Titled"

Eto lang ang nailabas na album ng grupo na ito. Lyrical din yung dalawang emcee dito (Duanesis at Rhyxodus). Tapos mabilis din sila mag rap katulad ng BT'N'H pero may sarili silang touch pagdating dun sa ganung style. May mga tracks din dito na si Beware ang nag produce kaya tight itong album na ito.

MASTA PLANN "Self Titled"/"The Way of the Plann"

Una kong napakinggan itong Masta Plann nuong high school pa ako. May mga naging kakilala kasi ako na mahilig magsayaw. Bali pinapatugtog nila yung "Bring Dat Booty" dun sila nagpa-praktis ng sayaw nila. Tapos big deal pa nuon kapag marunong ka ng salto, vertical at head spin. Ang problema lang dito sa tropa na ito wala silang alam sa hiphop puro porma lang. Mas gusto ko yung sophomore album nila g-funk at west coast ang tugtugan nila. Ha, sigurado pagtatawanan ako sa hardcore punk scene nito dahil gusto ko ang Masta Plann bahala na sila matanda na ako para mag-react pa sa mga ganun bagay. To each his own eka nga. Siyempre good music is still good music. Aight!

Saturday, September 11, 2010

HALF THE BATTLE "What We Have"

Local youthcrew hardcore represent! Debut album ng Half The Battle. Wala akong masabi dito puro positibo lang. Yung musika at packaging ayus lahat. Ano pa ang hihilingin mo sa isang CD. Oo pabor din ako pinalitan na ni Easy yung style ng vocals niya. Mas bagay eh pero konting pulido pa. Bukod pa dun eh finger pointing na sa ere habang pinapakinggan ko ito sa kuwarto ko. Let's fucking go!

JAY FLAVA "Obsolete EP"

http://www.mediafire.com/?np8ul8bw2f8164q
Apat na kanta lang nandito pero tight lahat. Kasama niya dito si Loonie, Klumcee at ang grupong A.M.P.O.N. Hardcore rap ang style nito ni Jay Flava parang Wu-Tang Clan ang dating medyo may dating siya ni Ghostface Killah.

SYKE "Self Titled"

Debut album ni Syke. Nakita niyo naman kung gaano na ka luma itong tape na ito. Sayang nawala na yung cover at lyric booklet nito. Ganun pa man eh napapakinggan pa rin namin ito. Maayos pa ang tunog niya.

Thursday, September 9, 2010

CROSSBLOOD TAPES

Naalala niyo pa ba itong mga Crossblood tapes nuong late 90's? Mga na retrieve ko pa ito sa kahon ng tiyuhin ko. Ang alam ko nga nag-distro din siya ng mga tape na ito. Dahil sa Crossblood napakinggan ko yung Integrity "System's Overload" nawala na nga lang yung kopya ko. Yung Ignite, Warzone at 25 Ta Life nakaka mangha at maganda pa yung mga tunog nila. Pero yung Earth Crisis malabo na yung tunog. Sa mga meron pang tape ng Crossblood bigay niyo na lang sa akin palitan ko ng kopya ng fanzine ko.

Wednesday, September 8, 2010

FEUD "No Surrender To The Enemy"

Sa mga nakaka kilala sa akin alam nila na hindi sikreto ang sobrang pag hanga ko sa bandang Feud. Kaya eto ang patunay sa pag hanga ko sa kanila ang classic tape nila. Nabili ko pa ito sa MYO Distro nuon. Mail order tol hindi naman kasi ako pala attend ng gig nuon (hanggang ngayon). Ang alam ko rin eto ang kauna-unahang release ng Take Four.

BIOFEEDBACK "Hardtimes"

Nakuha ko itong flyer na ito sa philippines80shardcore.blogspot.com. Downloadable din dun yung Hardtimes tape ng Biofeedback.
Kilala na natin lahat kung sino ang bandang Biofeedback. Laguna's pride siyempre. Magandang idea kung magkakaroon sila ng re-union show. Kahit pumanaw na ang kanilang drummer. Talagang itinabi ko itong tape na ito sayang kasi alam ko agad magiging classic ito nung bilhin ko ito. Ayus

Monday, September 6, 2010

FUCK CALOOCAN CITY!

Siyam na taon na kaming nakatira dito sa looban ng Marulas A. Nung mga apat na taon gustong-gusto ko pa dito sa lugar namin. Pero ng tumagal na kami naiinis na ako dito sa lugar na ito. Ang daming inggitero na kapitbahay. Tapos parang naka bantay sila sa mga nangyayari sa buhay namin. Sana maka alis na kami dito. Peligro pa kapag sa gabi ang daming mga wannabe gangster na nagtri-trip. Talo-talo ang mga tao dito basta makuha lang nila ang gusto nila.

GRAND INVINCIBLE

Alam ko kilala ninyo kung sino si Dan Lactose. Tama siya nga ang gitarista sa bandang Spazz. Kilala na siya sa pangalang "DJ Eons One." Ito na ang kanyang pinagkakaabalahan. Ang pag DJ sa bago niyang grupo na Grand Invincible. Kasama niya dito si Luke Sick na ayos din mag rap. Nalaman ko itong inpormasyon na ito kay Brad gitarista ng Sister Bastard. Salamat sa iyo tol. May mga na-download na ako na mga project niya. Puro mga mixes. Bisitahin niyo yung blogspot niya "Ripped Open By Metal Explosions."

Tupac "R U Still Down? (Remember Me)"

Unang posthumous album ni Tupac. Siguro alam na natin lahat kung ano istorya niya. Para sa akin magaling siya. Talagang napaangat niya ang west coast rap. Kahit namatay pa siya.

NWA "Efil4Zaggin"/"Greatest Hits"

Yung album na "Efil4Zaggin" nahiram ko lang sa kaibigan ko. Kay Banjo talaga itong tape na ito hanggang ngayon hindi ko pa rin naiisoli. Hahaha. Pero yung "Greatest Hits" sa kapatid ko. Sa hindi nakakaalam NWA ang talagang nagsimula ng gangsta rap. Sila rin ang gumawa ng kantang "Fuck Tha Police" at hindi RATM.

Sunday, September 5, 2010

E40 "Tha Hall Of Game"/MYSTIKAL "Unpredictable"

Wala akong masyadong alam na inpormasyon dito kay Mystikal. Pero medyo maganda din itong album niya na ito. Hardcore mag rap itong si Mystikal galit yung style niya. Ang alam ko southern rapper din siya. Si E40 naman old school na ito. Alam ko isa siya sa mga pioneer rapper ng South.